Totoong Pagsamba
Sa wakas, narating na rin ni Annie Dillard ang Bethlehem’s Grotto of the Nativity na itinuturing na lugar kung saan ipinanganak si Jesus. Sa loob ng isang simbahan, naroon ang grotto na pinalilibutan ng mga kandila at lampara na nagbibigay liwanag dito. Makikita rin sa sahig nito ang larawan ng bituin na gawa sa pilak na siyang tanda ng napakahalagang pangyayari…
Inaawitan Ka Na Dios
Labingpitong buwan matapos ipanganak ang aming panganay— lalaki—ipinanganak naman ang babae. Masayang-masaya ako na nagkaroon din kami ng anak na babae, pero hindi rin ako mapakali. Kaunti lang ang alam ko tungkol sa batang lalaki pero wala akong kaalam-alam tungkol sa batang babae. Sarah ang ipinangalan namin sa kanya at gustong-gusto kong idinuduyan siya para makatulog habang nagpapahinga ang misis…
Bagay na Mabuti
Hilig ng aming pamilya ang manood ng balita. Lagi rin naming inaabangan ang mga balitang nakakatuwa, kapuri-puri, mabuti at nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba. Tulad ng balita tungkol sa isang tagabalita na nag-donate ng kanyang plasma, matapos gumaling sa Covid19.
Ginawa niya ito dahil nais niyang makatulong sa iba. Ginawa din niya ito kahit na hindi pa alam ng mga dalubhasa…
Tamang Dahilan
Minsan, habang nakasakay ako sa eroplano, napansin ko kung paano na lamang paglingkuran ng isang babae ang isang matandang babae na nakaupo malapit sa kanya. Binigyan niya ito at pinakain ng mansanas, tinapay at pinunasan pa ng tuwalya ang pinagkainan.
Nang makababa na kami ng eroplano, sinabi ko sa babae, “Napakagandang tingnan kung paano mo asikasuhin at paglingkuran ang kasama…
Hindi Nagmamadali
Minsan, ikinuwento ni Alice Kaholusuna kung paano manalangin ang mga taga-Hawaii. Maghahanda muna sila nang matagal bago pumasok sa kanilang templo upang manalangin. At kapag sila’y nanalangin, gumagapang sila papunta sa altar. Paglabas naman sa templo, matagal din silang uupo upang ‘bigyang-buhay’ ang panalangin.
Kabaligtaran naman nito ang paraan ng pananalangin ng Misyonero na nagpunta sa kanilang isla. Nakatayo itong…